Showbiz News

Sunday na puno ng halakhak sa 'Joe's Apartment' at 'My Big Bossing'

By MARAH RUIZ
 
Mapapaluha kayo sa katatawa sa mga pelikulang handog ng GMA ngayong Linggo!


 
Isabay sa inyong almusal ang Joe's Apartment! Isang fresh graduate si Joe at nakipagsapalaran siya sa New York City para tuparin ang kanyang mga pangarap.
 
Sadyang mahal ang renta sa siyudad ngunit suwerte naman siyang makakahanap ng murang apartment. Malalaman niya kalaunan ang dahilan ng napakamura niyang renta—libo-libong ipis ang kanyang roommates!
 
Bagay naman dahil burara rin si Joe. Ngunit makakatagpo siya ng isang taong makakapag-inspire sa kanya para magbago. Tulungan kaya siya ng mga kaibigan niyang ipis o sabotahihin kaya siya ng mga ito?
 
Tampok ang Hollywood heartthrob na si Jerry O' Connell sa Joe's Apartment!
 
Kasama niyo naman sa merienda time ang tambalang Bossing Vic Sotto at Aleng Malitt Ryzza Mae Dizon! Tatlong kuwento, tatlong batikang direktor, at isang katutak na mga halakhak ang hatid ng My Big Bossing


 
Sa unang episode na "Sirena," nangagarap ang batang si Jessa (Ryzza Mae Dizon) na maging isang sirena. Tutuparin naman ni Tandang Wishy (Pauleen Luna) ang kanyang hiling. Maging masaya na kaya si Jessa?
 
Horror naman ang pangalawang episode na "Taktak." Si Angel (Ryzza Mae Dizon) ay isang psychic na nakakausap umano ang mga ispirito. Si Vince (Vic Sotto) naman ang TV host at imbestigador na nais siyang i-expose bilang isang huwad! Tunghayan din sa "Taktak" ang Primetime Queen na si Marian Rivera bilang executive producer ng programa ni Vince na laging nakikipagbangayan sa kanya.
 
Ang "Prinsesa" naman ang mala-pantasyang pangatlong episode. Dito, makikilala si Biiktoria (Ryzza Mae Dizon), isang batang lumaking kasama ng mga baboy. Ngunit sa katunayan, siya pala ay isang prinsesa! Mabawi kaya niya ang kanyang kaharian at makabalik sa kanyang mga tunay na magulang? Abangan din sa episode na ito ang mga kulitan ni Ryzza Mae at ng katambal niyang si Alonzo Muhlach. 
 
Antabayanan ang Joe's Apartment, May 3, 7:00 am at ang My Big Bossing, 3:00 pm sa GMA!