Showbiz News

Mich Liggayu, pinabulaanan ang mga paratang ni Mommy Maricar

By MARAH RUIZ
 
Humarap ang dating kasintahan ng yumaong si Jam Sebastian na si Mich Liggayu sa Startalk para sagutin ang patung-patong na isyung ibinabato sa kanya. Matatandaang nauna nang nagbigay ng pahayag ang ina ni Jam na si Maricar Sebastian at nabanggit nito ang patuloy na pakikinabang ni Mich sa Jamich YouTube channel at Facebook page. 
 
WATCH: Ina ni Jam, emosyonal na nagsalita laban kay Mich

Pinabulaanan naman ito ni Mich at ibinahagi sa Startalk hosts na sina Heart Evangelista at Ricky Lo na na-hack na umano ang Facebook page ng Jamich at may sarili na itong page na ginagamit.
 
"Actually, ngayon po nahihirapan din ako financially kasi nawalan din ako ng work. Kasi nga po yung work ko before yung samin nga po ni Jam eh," pahayag nito.
 
Ayon sa dalaga, umasa daw siyang hindi magbabago ang relationship nila ni Mommy Maricar matapos ilibing ni Jam; kaya nagulat siya sa pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya.
 
Bukas pa din naman siyang makipagayos kay Mommy Maricar at sa pamilya nito. 
 
"Ngayon po, hindi naman po ako nagsasarado ng doors sa kanila. Actually, nagri-reach out po kami sa kanila, tinatawagan po sila ng parents ko. Tina-try po silang i-contact ng parents ko," ani Mich. 
 
Narito ang buong panayam ng Startalk kay Mich Liggayu: