Showbiz News

'Let the Love Begin' star Ruru Madrid guest sa ‘Pepito Manaloto’

By AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Isang wacky episode ang naghihintay sa inyo this Saturday night dahil guest sa multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ang Let the Love Begin cutie na si Ruru Madrid.
 
Gaganap si Ruru bilang nakababatang kapatid ni Maria (Janna Dominguez) na si Jose. 
 
Magbabakasyon si Jose sa mansyon nila Pepito at malalaman ni Chito (Jake Vargas) na mahusay magprito ang binata.
 
Yayain ni Chito si Jose na mag-apply sa Instaburger, ngunit may problema. 
 
Napansin nila Chito at Nikki na may mga nawawalang burger.
 
May kinalaman kaya si Jose sa mga missing burger? 
 
Si Elsa (Manilyn Reynes) naman mag-aaral na magdrive, ang kaso ang maybahay ni Pepito madaling uminit ang ulo kapag may aberya sa kalsada. Kaya ang kawawang driving instructor takot tuwing kasama si Elsa.
 
Matuto kaya si Elsa o diretso sa kulungan ang misis ni Pepito?
 
Huwag palampasin ang kuwelang episode ng pinakamamahal niyong pamilyang milyonaryo sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ngayong Sabado, May 9 pagkatapos ng Sabado-badoo sa Sabado Star Power ng GMA-7!