Showbiz News

Si Goku laban sa imortal sa 'Dragon Ball Z!'

By MARAH RUIZ

 
Nawawala si Gohan!
 
At paano siya babawiin ng kanyang amang si Goku kung ang dumampot sa kanya ay isang napakalakas at imortal na nilalang?
 
Isang grupo ng mga mandirigma ang biglaang aatake kina Gohan, Chichi at Ox King. Dahil sa masamang kutob, dali-daling uuwi si Goku mula sa pangingisda. Ngunit huli na siya, dahil kinuha na ng mga ito si Gohan!
 
Si Garlic Jr. pala ang dumukot kay Gohan dahil nais niyang mapasakanya ang Dragon Ball na nakakabit sa sumbrero nito. Nang makumpleto niya ang pitong Dragon Balls, tatawagin niya ang dragong si Shenron para humiling ng walang hanggang buhay. 
 
Sisimulan ni Goku ang kanyang paglalakbay para labanan si Garlic Jr. at maiuwi
si Gohan. 
 
Mabawi pa kaya ni Goku ang kanyang anak na si Gohan? Paano niya tatalunin
si Garlic Jr. na isa nang imortal?
 
Tunghayan ang Dragon Ball Fight! Presents Dragon Ball Z!

Panoorin ang Part 1 sa May 9, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at Part 2 naman sa May 10, pagkatapos ng Pac-man and the Ghostly Adventures,
sa nag-iisang astig sa anime, GMA!