Showbiz News

Manny Pacquiao, inoperahan na ang balikat

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Ngayong araw inoperahan ang balikat ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Amerika at tumagal daw ang minor operation nang isa't kalahating oras.
 

Ayon sa ulat ni Mark Zambrano, kasama ni Pacman ang asawang si Jinkee Pacquiao at ilang miyembro ng Team Pacquiao sa ospital.
 
Matatandaang ininda ni Pacman ang kanyang balikat matapos ang laban nila ni Floyd Mayweather noong Linggo.
 
Samantala, kamakailan lang ay naglabas ng pahayag ang dalawang kampo na payag sila na magkaroon ng Pacquiao-Mayweather fight number two. Kailangan lang munang pagalingin ni Pacquiao ang injury sa loob ng four to six months bago sumabak sa laban.