Showbiz News

SPOTTED: Willie Revillame naka one-on-one si Mike Enriquez

By AEDRIANNE ACAR

 
Inaantabayanan na ng buong bansa ang pagbabalik telebisyon ng controversial TV host na si Willie Revillame ngayong Linggo, May 10.
 
Excited na ang mga Kapuso natin para sa bonggang production numbers na mapapanood nila sa pilot episode ng Wowowin at sa limpak-limpak na premyong ipamimigay ng show para sa lucky studio audience. 
 
Pero bago ang great TV comeback ni Kuya Willie, bumisita ang Wowowin host sa morning program ng 24 Oras anchor na si Mike Enriquez sa DZBB ngayong umaga (May 8). 
 
Makikita sa larawang pinost sa Facebook na masayang nagkukuwentuhan ang dalawang matalik na magkaibigan. 
 
 
Matatandaan na noong nakaraang taon may ulat na lumabas na tinutulangan daw nila Mike Enriquez at Eat Bulaga host Joey de Leon si Willie para maipalabas ang show nito sa Kapuso network
 
Ayon sa panayam ng GMANewsOnline kay Mike last November 2014, nagkita-kita raw sila ni Willie at Joey sa isang birthday celebration ng common friend nila. 
 
Napag-usapan daw nila ang pagkakaroon ng show ni Willie sa GMA-7, pero nilinaw rin ni Mike na ilan lamang ito sa mga “idea” na nabuo sa usapan nilang tatlo. 
 
Pahayag ni Mike, "Ako naman anything na worth exploring lalo na iyong mga outside the box na idea, 'yung new innovation at kung makatutulong sa GMA, susuportahan ko iyan,"
 
Celebrate Mother’s Day with us Kapuso by watching the pilot episode of Wowowin this Sunday, May 10, 3:30 pm after Sunday All Stars.