Showbiz News

Dessa, masaya sa alok na tulong ni Regine Velasquez

By MARAH RUIZ
 
Ilang mga medical condition na kailangan ng operasyon ang hinaharap ngayon ng singer na si Dessa. 
 
Nangangailangan ito ng isa na namang blood transfusion. Bukod dito, kailangan ding operahan ang kanyang uterus at isa sa kanyang mga ovaries. 
 
Nang matunugan naman ni Asia's Songbird Regine Velasquez ang tungkol dito, sinabi nitong willing siyang tulungan ang kapwa niya singer. Nangako din siyang ibabahagi ito sa kanyang mister na si Ogie Alcasid para makahanap pa ng mas maraming tulong. 

"Naku mare! I love you, mare! Sobra! Kumare ko yan. Ninang siya nung panganay ko. Salamat. Sobrang sarap ng pakiramdam na naririnig ko yan ngayon," ani Dessa nang malaman ang tungkol sa alok ni Regine. 
 
Narito ang buong panayam ni Dessa sa Startalk