advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Meet the cast of Lakorn series 'Man of Vengeance'

1 of 9

Roy

Ang aktor na si Tor Thanapob Leeluttanakajorn ang gumaganap sa karakter ni Roy, isang anak sa labas na napilitang makisama sa pamilya ng kanyang ama simula nang pumanaw ang ina. Kailanman ay hindi naging maganda ang trato ng stepmom (Sylvia) at stepbrother (Gerry) nito sa kanya.

2 of 9

Mico

Tuluyang nagbago ang buhay ni Roy nang masangkot sa isang aksidente at inakalang patay na ng lahat. Sa pagbabalik, mabubuhay siya sa alyas na Mico para sa hinahangad na paghihiganti mula sa mga taong umapi at umabuso sa kanya.

3 of 9

Thea

Si Fern Nopjira Lerkkajornnamkul ang gumaganap sa karakter ni Thea, ang tanging naging karamay noon ni Roy sa pang-aaping naranasan sa pamilya ng ama. Tulad ni Roy, hindi rin nakaranas ng pagmamahal si Thea mula sa ina at kapatid.

advertisement
4 of 9

Mico at Thea

Nang makita ni Thea si Mico, naalala niya ang kababatang si Roy. Mas lalong lumakas ang hinala ni Thea na si Mico at Roy ay iisa dahil sa suot na singsing nito na alaala ng yumaong ina ni Roy.

5 of 9

Sylvia

Si Ann Siriam Pakdeedumrongrit ang gumaganap sa karakter ni Sylvia, ang mapang-abusong stepmother ni Roy. Dahil anak sa labas si Roy ng kanyang asawa, kailanman ay hindi naging maganda ang trato niya rito. Siya rin ang dahilan kung bakit piniling tumalon ni Roy sa ilog at inakalang patay na ng lahat.

6 of 9

Gerry

Si Typhoon Kanokchat Munyadon ang gumaganap sa karakter ni Gerry, ang babaerong stepbrother ni Roy. Tulad ng kanyang ina, kailanman ay hindi naging maganda ang trato niya kay Roy.

advertisement
7 of 9

Sylvia at Gerry

Sa ngalan ng salapi, handang gawin ng mag-inang Sylvia at Gerry ang lahat kahit na ang pumatay.

8 of 9

Eva

Si Wattanajinda Sirapan ang gumaganap sa karakter ni Eva, ang nagsilbing pangalawang ina ni Roy matapos na pumanaw ang ina at pabayaan ng ama. Si Eva rin ang tumulong kay Roy para magkaroon ng maayos at magandang buhay.

9 of 9

Kyla

Si Raviyanun Takerd ang gumaganap sa karakter ni Kyla, ang mapagpanggap na stepsister ni Thea. Mahilig siya sa atensyon at gustong perpekto ang tingin ng lahat sa kanya.

advertisement