advertisement
Showbiz News

Celebrities flood social media with throwback photos of Susan Roces

1 of 14

Tina Paner

Ramdam ang lungkot sa post ng versatile actress na si Tina Paner sa pagpanaw ni Miss Susan Roces.

2 of 14

Lovi Poe

Taos-puso naman ang pasasalamat ng anak ni Senator Grace Poe na si Brian sa mensahe ng kaniyang tita Lovi Poe.

3 of 14

Bea Alonzo

Napa-throwback naman ang multi-awarded actress na si Bea Alonzo sa payo na ibinigay sa kaniya noon ng “Queen of Philippine Movies” na nakatrabaho niya sa isang serye.

advertisement
4 of 14

Judy Ann Santos

Inisa-isa ng aktres na si Judy Ann Santos ang mga mami-miss niya sa kaniyang Tita Susan Roces.

5 of 14

Candy Pangilinan

Ipinagdarasal naman ng comedienne at vlogger na si Candy Pangilinan ang nagdadalamhating pamilya ni Ms. Susan Roces. Post niya sa Instagram, “Manager will be happy to see you. Pls say a prayer for Tita Susan and the family she has left behind. @sengracepoe."

6 of 14

Shamaine Buencamino

Nagkuwento ang 'Jose and Maria's Bonggang Villa' star na si Shamaine Buencamino kung paano katrabaho ang isang Susan Roces.

Pagbabahagi ng versatile actress, “Mabait kasi siya. Matulungin. Makuwento. Madalas nagpapakain sa set. Professional. Hindi nagpapahintay at kabisado ang mga linya. Thoughtful. Binibigyan pa niyan ako ng mga cut-outs na newspaper articles tungkol sa akin.

“Maraming salamat Tita Susan. Sa inspirasyon at sa mga payo.”

advertisement
7 of 14

Lorna Tolentino

Ipinost ng seasoned actress na si Lorna Tolentino ang throwback photo ni Susan Roces at kaniyang yumaong asawa na si Fernando Poe Jr. (FPJ). Pumanaw si FPJ noong December 2004.

8 of 14

Michael de Mesa

Labis ang pagmamahal ng versatile actor na si Michael de Mesa sa showbiz legend.

9 of 14

Lotlot de Leon

Heto naman ang mensahe ni Lotlot de Leon para sa kaniyang ninang. Sabi ng aktres, “You'll stay in our hearts forever, Ninang Susan.”

advertisement
10 of 14

Ruby Rodriguez

Ayon sa dating 'Eat Bulaga' host na si Ruby Rodriguez, nami-miss niya ang smiles ng nag-iisang “Queen of Philippine Movies.”

11 of 14

Kim Atienza

Nagpaabot naman ang 'Mars Pa More' host na si Kim Atienza ng pakikiramay sa pamilya Poe sa nakakalungkot na pagpanaw ni Susan Roces.

12 of 14

Roderick Paulate

Ilang throwback photos naman kasama si Susan Roces ang ipinost ng napakahusay na aktor na si Roderick Paulate. Kakabit nito ang mensahe ng pasasalamat para sa namayapang beteranang aktres.

advertisement
13 of 14

Gladys Reyes

Inalala ni Gladys Reyes ang namayapang aktres na si Susan Roces sa pamamagitan ng isang larawan kasama si Roderick Paulate. Ayon sa post ni Gladys, kuha ang larawan na kaniyang ipinost mula sa 75th birthday ni Miss Susan.

14 of 14

Bela Padilla

Ang aktres na si Bela Padilla ay tila sobrang naging close kay Susan Roces. Kasunod ng pagpanaw ng tinaguriang “Queen of Philippine Movies” isang video ang ibinahagi ni Bela sa Instagram kung saan mapapanood na sabay na kumakain ang mga aktres.