advertisement
Showbiz News

LOOK: Celebrities congratulate President-elect Bongbong Marcos, VP-elect Sara Duterte

1 of 10

Aiai delas Alas

Masayang-masaya ang aktres na si Aiai delas Alas sa proklamasyon kina President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

Sa Instagram, idinaan ni Aiai ang bagpati sa mga bagong halal na Presidente at Bise Presidente. Aniya, "It's official! Congratulations po sa ating bise presidente VP Inday Sara Duterte, at sa ating presidente ng republika ng pilipinas President Ferdinand R. Marcos Jr.. God bless you both. God bless the Philippines."

2 of 10

Dianne Medina

Sa magkahiwalay na post, nagpahayag din ng pagbati ang aktres at host na si Dianne Medina para sa mga bagong halal na pinuno ng bansa. "Congratulations President-elect @bongbongmarcos [Ferdinand Marcos Jr.]. Praying for you! Mabuhay po kayo!," ani Dianne.

3 of 10

'My VP'

Tinawag naman ni Dianne Medina na 'My VP,' si Vice President-elect Sara Duterte. Aniya, "Congratulations Vice President Elect @indaysaraduterte ' Praying for you My VP!"

advertisement
4 of 10

Rodjun Cruz

Nagpahayag din ng pagbati ang aktor na si Rodjun Cruz para sa dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa at sinabing ipagdarasal niya ang gagawing pamumuno ng dalawa.

"Mr. President-elect @bongbongmarcos & Vice President-elect @indaysaraduterte. Congratulations po sa inyo! Alam ko po na gagawin niyo ang lahat para sa mas ikauunlad at ikagaganda ng ating bansang Pilipinas. Ipagdarasal po namin kayo. God bless you both always," ani Rodjun.

5 of 10

Joey de Leon

Nagbigay ng mensahe ang Eat Bulaga host na si Joey de Leon sa ikawalong pangulo ng Pilipinas na naabutan ng kanyang programa.

Aniya, "Our new President Bongbong and the Senate President of bang @bangshang7! Bumabati si BBM para sa Eat Bulaga sa kanilang ikawalong Pangulo na dinadaanan! Wow! @helenstito @eatbulaga1979."

6 of 10

Andrew E 

Sa pamamagitan ng Instagram Story, bumati rin ang rapper na si Andrew E, na isa sa mga masugid na taga-suporta ng tambalang BBM-Sara.

advertisement
7 of 10

Cat Arambulo

Isang mensahe rin ang ipinaabot ng socialite at social media influencer na si Cat Arambulo-Antonio para kina President BBm at VP Sara.

Aniya, "Our duly elected 17th President of the Republic of Philippines: @bongbongmarcos. And of course his VP @indaysaraduterte. Please continue to make the 31 million people who voted & believe in you proud. And pls prove those who doubted you wrong, Mr. President. Congratulations!!! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!."

8 of 10

Pops Fernandez

Ini-repost naman ni Pops Fernandez ang larawan nina President-elect Bongbong and VP-elect Sara bilang kanyang pagbati.

9 of 10

Jerika Ejercito

"A great day to be back in the Philippines," ito naman ang masasabi ni Jerika Ejercito sa proklamasyon kina President BBM at VP Sara kahapon kasabay ng kanyang pag-uwi sa bansa mula sa Spain.

advertisement
10 of 10

Toni Gonzaga-Soriano

Dumalo sa proklamasyon kahapon kina President-elect Ferdinand Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte sa Batasang Pambansa ang aktres at host na si Toni Gonzaga kasama ang kanyang asawa na si Direk Paul Soriano upang personal na batiin ang mga bagong halal na presidente at bise presidente.