Showbiz News

Mickey Ferriols, may mensahe kina Kobe at Andre

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Noong Mother's day ay nag-post ng isang mensahe si Jackie Forster sa kanyang Instagram para sa kanyang mga nawalay na anak na sina Andre at Kobe Paras.

Matagal nang hiwalay si Jackie sa dating asawa na si Benjie Paras. Si Benjie ang nakakuha ng kustodiya ng kanilang mga anak at mula noon, hindi na nagkaroon ng pagkakataong makapiling ni Jackie sina Andre at Kobe.

Ayon naman kay Mickey Ferriols, naiintindihan niya raw ang pinagdaraanan ng kapatid na si Jackie.

Aniya, ramdam niya raw ang sakit ng pagkakawalay ng isang ina sa mga anak dahil tulad ito ng sitwasyon ng pinagdaraanan ng kanyang character sa Healing Hearts na si Rachel.

Tanging dasal na lang daw ang kayang maitulong sa problema ni Jackie ngayon. "[Ang] wish ko talaga for Jackie and the kids, siyempre ano na rin kay Benjie, [sana maging] maayos sila. Kasi at the end of the day, ang importante talaga family kahit na at one point [ay] nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan," pahayag niya.

Samantala, kahit pala si Mickey ay matagal nang hindi nakikita ang mga pamangkin. "The last time I saw them, sobrang kids pa, super maliliit pa sila. So it would be nice if I can say hi or hello to them. Well, Kobe is not here but if I can say hi to them, ang saya siguro noon." pahayag ng Healing Hearts star.

Laking tuwa naman ni Mickey nang malamang nakakuha na ng first acting award ang The Half Sisters star na si Andre. Kamakailan lang ay iginawad sa aktor ang Outstanding Breakthrough Performance by an Actor ng 6th Golden Screen TV Awards.