Showbiz News

Pauleen Luna, umaming napag-uusapan nila ni Vic Sotto ang pagpapakasal

By CHERRY SUN
 
Nakapanayam ng 24 Oras si Pauleen Luna nang mag-host siya sa isang event. Dito ay umamin ang Kapuso actress at Dabarkads na napag-uusapan na nila ni Bossing Vic Sotto ang pagpapakasal.
 
READ: Vic Sotto, nagpatayo ng bahay para kay Pauleen Luna?
 
Sa naturang event ay inalok daw si Pauleen ng isang cooking course para umano sa paghahanda sa buhay mag-asawa.
 
“I think every woman needs to know how to cook a good meal for her family,”
ani Pauleen.
 
“My mom cooks very well. Siya tinuturuan niya rin ako. [In preparation] for dinner,” natatawang dugtong nito.
 
Ayon sa aktres ay hindi raw siya napapagod sumagot kahit walang tigil ang tanong tungkol sa kasal nila ng kanyang nobyo.
 
“Kasi kami, we’re both very happy. So I think the people outside of the relationship, mas excited for us,” sambit ng aktres.
 
Kasabay nito ay ang pag-amin niya na bahagi ng kanilang mga pinag-uusapan ang plano nilang magpakasal.
 
Pahayag niya, “We do talk about it. Hindi naman po tinatago na napapag-usapan na namin but of course, nothing final. And if ever na final na, sa amin na lang muna ‘yun.”
 
Maliban sa Eat Bulaga kung saan katrabaho rin niya si Vic ay abala si Pauleen sa The Rich Man’s Daughter. Natutuwa rin daw siya dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang kontrobersyal na programa.
 
“Nakakatuwa kasi we took a risk eh with this show, and never did we expect this kind of outcome. So we’re very happy kasi ang dami talagang sumuporta,” aniya.