Showbiz News

Glaiza de Castro to Rhian Ramos' BF: 'Magiging karibal mo muna ako'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
"Sabi ko 'Sorry ha, magiging karibal mo muna ako for certain months, so be prepared (laughs).'"
 
Ito ang pabirong hirit ni Glaiza de Castro sa boyfriend ng kanyang The Rich Man's Daughter co-star na si Rhian Ramos nang dumalaw ito sa kanilang pictorial.
 
WATCH: Behind-the-scenes of The Rich Man's Daughter pictorial 
 
Kuwento pa ni Glaiza, nahihiya nga daw siya kay Jason Choachuy. But Rhian reassures her na hindi issue kay Jason ang kanilang tambalan sa nasabing teleserye.
 
LOOK: Rhian Ramos and Glaiza de Castro on the cover of 'Supreme' 
 
"Kasi marami kayong mga bagay na wala sa isa't-isa (laughs). Nakita niya kung paano kami sa pictorial, and I think that was a good way to break it into him, para alam niya kung saan siya dapat masanay. But he's been very, very supportive."
 
Dagdag pa niya, "He's very, very happy for me. 'Yung problem lang naman niya is busy ako, pero 'yung character ko, he likes it. Alam niya kasi na gusto ko 'yung natsa-challenge ako sa mga roles, and masayang masaya siya para sa akin that I'm doing this."

READ: Rhian Ramos, handa na bang mawalan ng oras sa kanyang boyfriend?