Showbiz News

RaStro, the newest Kapuso love team

By MICHELLE CALIGAN
 
There's a new rebel in town!
 
RaStro, the portmanteau of the last names of The Rich Man's Daughter's Rhian Ramos and Glaiza de Castro, is the newest Kapuso love team that is taking over primetime.
 
 
Bakit kaya ito ang napili nila?
 
"Kasi tinanong kami sa interview kung ano ang mga pangalan na type namin, kung up to us, ano ang pangalan kapag love team na. May mga lumabas na RhiZa, GlIan, RhiGlai. Tapos sabi ko 'Hindi, para rebelde, apelyido (laughs)! So Ramos, de Castro, RaStro. Nakakatawa lang kasi parang lalaki 'yung name. Pinost ko lang sa Instagram 'yung mga options. Tapos sinabi ko lang din na ako, gusto ko 'yung RaStro para rebelde. 'Yung pinakamarami na sagot, 'yung GlIan, pero may mga na-suggest pa na bago like ZaIan, na maganda rin," kuwento ni Rhian.
 
 
Dagdag pa ni Glaiza, "May nag-post kasi na 'We are calling ourselves the RaStro Rebels.' Tina-tag na namin sila, mini-mention na namin sila, ang apparently, anlaki na pala nila."
 
Masaya naman ang dalawa sa positive feedback na natatanggap ng kanilang tambalan.
 
"They're very, very active talaga. Kami nga, wala kaming Tumblr, tapos nakita namin gumawa na sila. So binibisita na namin ang mga sites na 'yun na originally wala naman kaming account. May mga ginagawa silang GIFs, may fan art, mga cartoons namin, so happy talaga kami."