Showbiz News

Maureen Larrazabal enjoys playing transgender role in ‘Pepito Manaloto’

By AEDRIANNE ACAR


 
Wala raw problema para sa veteran comedienne na si Maureen Larrazabal na gumanap bilang transgender sa telebisyon. 
 
May recurring character ang former Bubble Gang babe sa high rating sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento bilang si Mara, ang transsexual employee ni Pepito at apple of the eye ni Tommy. 
 
READ: Away nina Janice at Mara sa 'Pepito Manaloto'
 
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Maureen, nagkuwento ito na agad daw niyang tinanggap ang role bilang Mara dahil marami siyang friends na transgender.
 
Aniya, “Ang dami kong friends na ganun [transgender] and sobrang pinapanood ko sila, sobrang gusto ko ‘yung ginagawa nila. Tuwang-tuwa ako sa kanila.”
 
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Kapuso actress sa mga fans ng comedy program na natutuwa sa kanyang karakter. Hinimok niya ang mga Kapuso loyalista na palaging manood ng Pepito every Saturday evening pagkatapos ng Sabado-badoo.
 
Saad niya, “Thank you! Kasi kahit na hindi ako palagi nandoon, 'pag nandoon ako, na-appreciate nila ako and bongga! Maraming-maraming salamat mga friends na nandiyan. Thank you so much and sana palagi niyo po panoorin.”