advertisement
Showbiz News

Social media stars na napanood sa 'Wish Ko Lang'

1 of 13

Sassa Gurl

Gumanap si Sassa Gurl bilang isa sa mga kaibigan ni Manny (Ruru Madrid) na si Chikana sa "Sakripisyo" episode ng 'Wish Ko Lang' noong June 12, 2021.

2 of 13

Pipay

Ang 19th anniversary episode ng 'Wish Ko Lang' na "To Love Again" ang unang TV appearance ng social media star na si Pipay, na inilabas noong July 31, 2021. Nakasama niya sa episode na ito sina Sanya Lopez, Rita Avila, Anjo Damiles, Arny Ross, at Yesh Burce.

3 of 13

Jomar Yee

Kabilang ang TikTokerist na si Jomar Yee sa cast ng "Babaeng Unggoy" episode ng 'Wish Ko Lang' na napanood noong August 14, 2021. Dito, nakasama niya sina Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Tina Paner, Almira Muhlach, Anna Vicente, at Ahron Villena.

advertisement
4 of 13

Joyang

Noong November 27, 2021, napanood si 'Banana Queen' Joyce Glorioso a.k.a Joyang sa "Magkaibigan" episode ng 'Wish Ko Lang' bilang si Flora.

5 of 13

Charlize Ruth and Limuel Huet

Kapwa napasama ang social media stars na sina Charlize Ruth at Limuel Huet sa Christmas special episode ng 'Wish Ko Lang' na "Ang Lihim ng Punerarya" noong December 11, 2021. Nakasama nila rito sina Kim Domingo, Lotlot De Leon, Adrian Alandy, at Chanel Latorre.

6 of 13

Bernicular

Napanood si Mr. Bernie Batin o mas kilala bilang Bernicular sa Christmas special episode ng 'Wish Ko Lang' na "Gayuma" kung saan nakasama niya sina Max Collins, Jak Roberto, Dave Bornea, Tanya Gomez, at Bench Hipolito, na inilabas noong December 25, 2021.

advertisement
7 of 13

Trixie Lalaine Fabricante

Napasama ang sexy social media star na si Trixie Lalaine Fabricante sa cast ng "Abuso" episode ng 'Wish Ko Lang' noong February 19, 2022. Dito, binigyang-buhay ni Trixie ang mapang-akit na karakter ni Nancy.

8 of 13

Ychan Laurenz

Gumanap si Ychan Laurenz sa "Kalbaryo" episode ng 'Wish Ko Lang' bilang si Cheska, ang matalik na kaibigan ni Miss Meggy (Nathan Lopez). Ito ang kauna-unahang TV role ng sikat na social media star na napanood noong April 2, 2022.

9 of 13

Maria Tiffany

Gumanap bilang kasambahay si Maria Tiffany sa "Tuli" episode ng 'Wish Ko Lang' noong April 30, 2022. Nakasama niya sa episode na ito sina Clarence Delgado, Ashley Sarmiento, Lilet Esteban, Fatima Velasco, Raquel Monteza, JK Giducos, at Ronnie Lazaro.

advertisement
10 of 13

Christian Antolin

Binigyang-buhay ni Christian Antolin sa "Buboy Aso" episode ng 'Wish Ko Lang' ang karakter ni Lydia, ang matalik na kaibigan ni Buboy na ginampanan ni Buboy Villar. Napanood ang episode na ito sa GMA noong May 7, 2022.

11 of 13

Queen Dura and Kyla Ruiz Garcia

Noong May 14, 2022, napanood sina Queen Dura at Kyla Ruiz Garcia sa "Boso" episode ng 'Wish Ko Lang' kung saan nakasama nila sina Claire Castro, Mickey Ferriols, Allen Dizon, JC Tan, at Kim Perez.

12 of 13

Ivan Laurio

Gumanap si Ivan Laurio sa "Battered Wife" episode ng 'Wish Ko Lang' bilang isa sa mga kaibigan ni Alma (Joy Ching). Nakasama niya sa episode na ito sina Jay Arcilla, Erin Ocampo, Kimson Tan, Kirst Viray, at Anthony Rosaldo, na inilabas noong June 11, 2022.

advertisement
13 of 13

Nena Reyes

Noong June 18, 2022, napanood si Nena Reyes sa "Tsismis" episode ng 'Wish Ko Lang' bilang isa sa mga tsismosang kapitbahay ni Nida (Ara Mina). Dito, nakasama rin niya sina JC Parker, Sheree, Paolo Paraiso, Athena Madrid, at Pipay.