Showbiz News

Enzo Pineda, nagsalita tungkol sa 'family' issue ni Louise delos Reyes

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Nagulat ang Kapuso star na si Enzo Pineda sa balitang may babaeng lumulutang na diumano'y tunay na ina ng dating karelasyon niyang si Louise delos Reyes.
 
READ: Louise delos Reyes baffled by the woman claiming to be her real mom
 
“Nakakagulat din in a way na may mga ganyang issue kasi wala namang naging question ‘yan noon and para sa akin it’s not true,” ani ng aktor sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
 
READ: Louise delos Reyes baffled by the woman claiming to be her real mom 
 
Hindi niya akalain na magkakaroon si Louise ng ganitong klaseng problema sa pamilya. Tugon pa niya, may mga tampuhan umano ang dating kasintahan sa kanyang Mommy Elvie noon pero normal lang daw 'yun sa mga mag-ina.
 
May mensahe naman ang My Mother's Secret star sa aktres, “Just stay strong and alam mo naman kung ano ang totoo.”
 
Nagpa-tattoo naman ang dalaga ng petsa ng kanyang kaarawan para panghawakan ang totoong pagkatao niya.
 
READ: Louise delos Reyes expresses real identity via new tattoo
 
Video courtesy of GMA News