Showbiz News

Kapuso teen stars, balik-eskwela na!

By BEA RODRIGUEZ

 
Pursigido ang mga Kapuso stars na makapagtapos ng kanilang pag-aaral at ngayon pa lang ay naghahanda na sila pumasok sa eskwelahan kahit busy sila sa kani-kanilang showbiz commitments.
 
Sa report ni Luane Dy sa Balitanghali, excited na raw ang mga binatang aktor sa pagbubukas muli ng kanilang napiling paaralan.
 
Matatandaang kaka-graduate lang noong Marso sa high school ng Let the Love Begin star na si Ruru Madrid pero tutuloy siya kaagad sa kolehiyo para kumuha ng kursong Filmmaking. Aniya, “Nagpaplano talaga akong mag-college kaso naghahanap pa ako ng best na school para makapag-adjust po sa akin dahil siyempre sobrang busy ko po ngayon.”
 
READ: Ruru receives three awards at high school graduation
 
Handa na rin pumasok si Buboy Villar bilang freshman at naghahanap din siya ng kolehiyong mapapasukan para kumuha ng Mass Communication, “College na po ako ngayon [at] naghahanap na lang ng school.”
 
Sina Enzo Pineda at Andre Paras naman ay ipagpapatuloy pa rin ang kanilang pag-aaral kahit busy ang kanilang iskedyul.
 
“Ngayon may one year pa ako sa Business Management sa UA&P and nag-enroll na ako sa school ko so I have nine units. I’ll make sure na ‘pag nag-start kami ng taping, I’ll finish this,” saad ni Enzo na isa sa cast ng My Mother’s Secret.
 
Papasok naman si Andre bilang sophomore sa San Beda College at excited siyang mapabilang sa bago niyang paaralan, “I’m a people person [and] I want to be part of a school where I can meet new people [at the same time] enjoy.
 
READ: Andre Paras, inayawan ang University of the Philippines
 
Dagdag pa ng The Half Sisters actor, “And also have the feel of, you know, I can say na I graduated from a college po and that’s really important for me.”
 
Video courtesy of GMA News