Showbiz News

Ibang planeta naman ang tutulungan ni Goku sa 'Fight! 10 Billion Power Warriors'

By MARAH RUIZ



Masaya na ang mga Namekians sa bago nilang tahanan, ang New Namek. Sinira kasi ni Frieza ang kanilang orihinal na planeta ilang taon na din ang nakalipas.

Ngunit may panganib na ?nagbabantang sumira sa kapayapaang nakamit nila. Isang metal na planeta ang didikit sa New Namek at hihigupin nito ang enerhiya ng mga Namekians!

Madadama naman ni Dende, isang Namekian na nakatira na sa Earth, ang pinagdaraanan ng kanyang mga kalahi. Makikiusap siya kay Goku na tulungan ang mga ito.

Magtutungo si Goku, kasama sina Gohan, Krillin, Piccolo, Oolong, Yajirobe at Master Roshi sa New Namek. Sasalubun?g?in sila ng mga robots at agad na makikipaglaban ang mga ito. Malalaman nilang si Cooler ang may pakana ng lahat!

Si Cooler ang nakakatandang kapatid ni Frieza, at akala ng lahat ay natalo na ito ni Goku noon. Balak ni Cooler na gamitin ang enerhiya ng mga Namekians para patuloy na paandarin ang kanyang spaceship.

Maipagtanggol kaya nina Goku ang New Namek laban kay Cooler na lubos nang malakas dahil na din sa enerhiyang hinigop nito?

Abangan ang Dragon Ball Fight! ?p?resents 10 Billion Power Warriors! Panoorin ang Part 1 sa May 23, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at Part 2 naman sa May 24, pagkatapos ng Pac-man and the Ghostly Adventures, sa nag-iisang astig sa anime, GMA!