Showbiz News

Linggo ng rebelasyon sa GMA Telebabad simula May 25

By MICHELLE CALIGAN

 
Painit ng painit ang mga tagpo sa GMA Telebabad sa darating na linggo. Maraming mangyayari sa Pari 'Koy, Let the Love Begin at The Rich Man's Daughter na dapat abangan ng mga manonood. Handa na ba kayo sa inyong matutunghayan?
 
Pari 'Koy
Kumalat ang video na naglalaman ng pagsuntok ni Father Kokoy kay Simon ngayon. Ipinatawag ng obispo si Father Kokoy para magpaliwanag, at sinabi nito na inaawat lamang niya ang away mag-asawa nina Noemi at Simon. Iminungkahi ng obispo na umalis muna siya pansamantala sa Pinagpala para makaiwas sa gulo at baka mawalan pa ng respeto ang mga tao sa kanya, isang pangyayari na ayaw ni Pinggoy. Gagawin ni Pinggoy ang lahat para baguhin ang desisyon ng kanyang Ninong Pari 'Koy pero tila buo na ang isip ni Father Kokoy.
 
Tuluyan na kayang magkakahiwalay sina Pinggoy at Father Kokoy? Ano ang naghihintay kay Father Kokoy sa pag-alis niya sa Pinagpala?
 
Let the Love Begin
Ang dating aso't pusa na sina Erick at Pia, nagiging malapit na ngayon dahil mas nakikilala na nila ang isa't-isa. Si Jeni naman, todo ang effort sa kanyang puto business na isinasabay niya sa pagiging DJ. Maiinggit naman si Katy sa atensyon na nakukuha ni Jeni kay Jom kaya magkukunwari itong nasiraan ng tiyan dahil sa binibentang puto ni Jeni. Magugulat naman si Tony dahil makakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang yumaong asawa.
 
Buhay kaya talaga ang mommy ni Pia? Magle-level up din kaya ang nabubuong friendship between her and Erick?
 
The Rich Man's Daughter
Kahit mahal ni Jade si Althea ay magdedesisyon siyang pakasalan pa rin si David para sa kanyang pamilya. Hindi pa rin malinaw sa kanyang pamilya kung bakit siya umatras sa kasal nila ni David, kaya papasundan ni Amanda kay Paul ang anak. Pinuntahan ni Jade si Althea para sabihin sa kanya ang masamang balita, na tuloy ang kasal nila ni David. 
 
Handa na kaya silang malaman na kapwa babae ang kanyang iniibig? At matatanggap kaya ni Althea ang desisyon ni Jade na balikan si David?
 
Huwag palampasin ang makapigil hiningang rebelasyon at pagbabago sa GMA Telebabad simula Lunes, May 25.