Showbiz News

Gerphil Flores, naka-duet si Regine Velasquez sa 'Sunday All Stars'

By BEA RODRIGUEZ
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
“Dream come true” daw para kay Asia’s Got Talent third runner-up Gerphil Flores na maka-duet ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, base sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend.
 
READ: Breakout star Gerphil Flores set to duet with Regine Velasquez 
 
Kinanta ng dalawa sa Sunday All Stars ang classical ballad na “Love Story,” ang kantang inawit din ng Classical Diva noong semi-finals sa talent show.
 
Isang mahigpit na yakap ang tinanggap ng dalaga galing sa kanyang idolo pagkatapos ng kanilang showdown.
 
READ: Mga Pinoy, hinangaan sa 'Asia’s Got Talent'
 
 Nakipagkantahan din ang 10 taong gulang na finalist ng Asia's Got Talent na si Gwyneth Dorado at ang Soul Princess na si Jonalyn Viray sa SAS at inawit ang “Brave.”
 
Hindi din nagpahuli ang dance group na Junior New System na isa din sa siyam na grand finalists ng naturang talent show na nagpakita ang kanilang galing.