Showbiz News

Gwen Zamora at Christian Bautista, nagpalitan ng sikreto?

By MICHELLE CALIGAN

 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com


Inamin ni Kapuso singer-actor Christian Bautista na nagpalitan sila ng sikreto ng kanyang My Mother's Secret leading lady na si Gwen Zamora noong workshop pa lamang nila.
 
READ: My Mother's Secret cast faces the press
 
"Sa workshop, dapat mag-share agad kayo. Na-share agad namin ang mga malalalim na bagay sa buhay namin na kailangan nga naman for us to trust each other. I will trust you with this because I want you to trust me as your co-actor. And I feel na mag-e-enjoy kami sa isa't isa, sa taping na ito."
 
Pangatlong beses pa lamang nakita ng Asia's Romantic Balladeer si Gwen noong story conference nila, pero naramdaman daw niya agad na magiging close sila.
 
"Third time lang namin nag-meet ever, tapos click agad. Feeling ko magiging malalim na magkaibigan kami because of this. I'm excited to work with her kasi ma-feel mo talaga sa kanya 'yung desire to really do her best kasi it's her first time. And I will be there to support her in any way."
 
WATCH: Ang kuwento ng My Mother's Secret
 
Nang tanungin si Christian kung may mga sikreto ba siyang tinatago sa mga mahal niya sa buhay, ito ang kanyang naging sagot.
 
"Ang secrets, may timing ang lahat ng 'yan. Although personally, mas gusto ko na open ang relationship, pero tina-timing rin 'yan. Halimbawa, may sakit ka na. Tapos sasabihin mo bigla 'yung mabigat [na dinadala mo], parang huwag na muna siguro. Maybe later, pero mas gusto ko pa rin na later on in life mabubuhos mo kung ano 'yung nasa loob mo kasi mas gagaan ka talaga."
 
READ: Christian Bautista and his high standards on women
 
Ano kaya ang sikreto ni Gwen na ipinagkatiwala niya sa kanyang leading man?
 
"'Yun ang hindi puwedeng sabihin, kundi tapos ang trust (laughs)."