Showbiz News

Mga Kapuso, nagmamano kay Dingdong Dantes

By BEA RODRIGUEZ

 
Base sa report ni Luane Dy sa Balitanghali, masaya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa nakukuha niyang feedback sa soap niyang Pari ‘Koy at may mga nakakasalubong pa siyang mga tao na nagmamano sa kanya.
 
Pabiro ng Kapuso star na gumaganap bilang Father Kokoy, “Siyempre ‘pag ganun, obligado na ako maging mabait buong buhay ko.”
 
Dagdag pa niya, “Mabuti naman ‘yon. At least na-e-encourage tayo na parating bisitahin yung panampalataya natin. Sometimes we need constant reminders.”
 
Naibahagi naman ng Primetime King na bilang isang aktor ay naisasabuhay niya ang mga prinsipyong nakukuha niya sa serye at sinasanay ang pagiging mabuting Katoliko.
 
READ: How “Pari ‘Koy” changed Dingdong Dantes 
 
Natutuwa si Dong na nasa second trimester na sa pagbubuntis ang misis na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil malalamaman na nila ngayong linggo ang kasarian ng baby.
 
READ: Marian Rivera, may pangalan na para sa unang anak?
 
“Gaya ng sinasabi namin parati, ang mahalaga ay healthy siya at lumaking mabuti so sa ngayon, wala muna kaming hinihiling. Kung ano ang ibigay ng Panginoon, we’ll be very grateful,” saad Pari ‘Koy star.
 
Suportado pa rin ang aktor sa mga ilang proyekto na ginagawa ni Yan at sinasamahan ang buntis na asawa, “Ini-encourage ko siya actually to still do activities and some stuff basta safe siya.”

READ: Marian Rivera and Dingdong Dantes win Newsmaker of the Year award