Showbiz News

Wyn Marquez, kinilig kay Enrique Gil

By MARY LOUISE LIGUNAS
 
Nakatanggap ng late birthday gift si Kapuso performer Wyn Marquez nang bigyan siya ng video greeting ng aktor at kapwa dancer na si Enrique Gil.
 
“What’s up Winwyn? It’s Enrique. Just wanna say hi and I wanna wish you a happy, happy birthday. I hope you have the best birthday ever,” wika ng aktor.
 
Naging malapit sa isa’t-isa si Enrique at ang ama ni Wyn na si Joey Marquez nang magkatrabaho sila sa isang teleserye, at nabanggit ni Enrique ito sa kanyang video greeting.
 
“Love na love na love ko [ang dad mo], dagdag niya.
 
Tinapos ni Enrique ang kanyang pagbati sa “God bless, stay sexy for me and I love you.”
 
Nang i-post ni Wyn ang video sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang kanyang saya at pagpapasalamat.
 
“Medyo kinilig ako ah,” inamin niya.