Showbiz News

LJ Reyes, umamin na galing din sa isang broken family

By AL KENDRICK NOGUERA
 
 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Hindi na bago kay Yagit star LJ Reyes ang nangyari sa kanila ng ex-boyfriend at ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino dahil galing din daw siya sa isang broken family.

READ: LJ Reyes, takot nang magmahal ulit pagkatapos ng break-up nila ni Paulo Avelino
 
Ikinuwento ni LJ kay Tunay Na Buhay host Rhea Santos ang pinagdaanan niya noong naghiwalay ang kanyang mga magulang.
 
Ayon sa kanya, sanggol pa lamang siya nang magkaroon ng pangalawang pamilya ang kanyang ama. Dahil dito, ang kanyang ina at ang kanilang kasambahay raw ang nagpalaki sa kanilang magkapatid.
 
"High school na kami, second year ako at third year 'yung ate ko [noong nakilala namin 'yung mga kapatid namin]. Nag-dinner kami tapos doon namin nalaman [na] na mayroon kaming mga kapatid na mas matanda sa amin," pahayag ni LJ.
 
"Very shocking 'yon for me and for my sister. Pero kasi ako, I took it in a good way," pagpapaliwanag niya.
 
Tulad ni LJ, lumalaki rin ngayon ang anak niyang si Aki na hiwalay ang kanyang mga magulang. Pero linaw ni LJ, hindi naman daw nagkukulang si Paulo sa suportang ibinibigay niya para sa kanilang anak.
 
Anong klaseng ina si LJ bilang isang single parent kay Aki? "Malambing kasi ako pero at the same time, ayokong lumaki si Aki na nakasandal sa 'kin. Gusto kong lumaki siyang independent," sagot ng Yagit star.
 
LOOK: 10 successful single parents in showbiz