Kristoffer Martin, thankful sa KrisJoy fans dahil 'di sila nawala kahit hiwalay na sila ni Joyce Ching
Published On: May 26, 2015, 04:15 PM
Updated On: March 01, 2020, 11:01 PM
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
"Ang maganda sa KrisJoy fans, hindi sila mapilit. Supportive sila eh," 'yan ang pahayag ni Healing Hearts star na si Kristoffer Martin.
Ani Kristoffer, natutuwa siya dahil hindi nang-iwan ang kanilang fans ni Joyce Ching kahit hiwalay na sila.
"Suportado nila kami in terms of being KrisJoy. Sa personal life namin, 'yung decisions namin in life, suportado rin nila," anang teen star.
Dagdag pa ni Kristoffer, sobrang understanding daw ng kanilang fans. Aniya, "Hindi sila namba-bash."
Inamin ni Kristoffer na naging fan din siya ng isang love team noon kaya naiintindihan niya ang ilang haters.
"May some na namba-bash, 'yung medyo hindi siguro masyadong nakakaintindi. Pero mostly naman lahat ng KrisJoy fans ay sobrang understanding," pagtatapos ng Healing Hearts star.