Showbiz News

Joanna Marie Tan, the next Rufa Mae Quinto?

By AEDRIANNE ACAR
 
Gusto raw ng Kapuso kontrabida at teen star na si Joanna Marie Tan na makagawa ng comedy projects bukod sa mga drama shows na binibigay sa kanya.
 
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa My Mother’s Secret actress, willing daw ang pretty star mapasama sa mga sitcoms or gag shows dahil sa totoong buhay ay komediyana raw talaga siya.
 
Ani Joanna, “Sabi nga nila 'pag nagsasalita ako sa personal parang baklang-bakla. Kaya lang nga ‘yung mga nabibigay sa akin na roles serious, mataray.”
 
Dagdag pa ng Kapuso teen star, “Siguro kaya sobrang minahal din ng viewers ‘yung karakter ko bilang Lupe dun sa past show namin (Strawberry Lane), kasi kahit papaano mayroong side si Lupe na ganun.”
 
“Kaya baka siyempre ‘yun ‘yung totoo sa akin. 'Yun ‘yung personality ko talaga in real life, kaya siguro happy ako na minahal nila 'yun dahil ibig sabihin, kaya nila akong mahalin sa totoong buhay.”
 
Wants to work with Bitoy and Rufa Mae 
 
Kung bibigyan naman daw siya ng chance na makatrabaho ang pinakamagagaling na mga comedians sa Kapuso network, gusto raw ni Joanna na makasama ang mga Bubble Gang veterans na sina Michael V at Rufa Mae Quinto. 
 
Saad ng aktres, “Si Michael V, sa lalaki siya. Sa babae lagi kasing kahit saan ako magpunta ang sinasabi nila medyo hawig ko daw siguro kung paano ako gumalaw, paano ako magsalita in real life si Rufa Mae [Quinto] daw [laughs].”