Showbiz News

Chiz Escudero, masaya sa pagbabati ni Heart at ng kanyang magulang

By CHERRY SUN

 
Tatlong buwan makaraan ang pag-iisang-dibdib nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, tinupad ng mga magulang ng aktres ang pangakong pagbisita nila sa kanya.

READ: Heart's dad's message to newlyweds on the day of wedding

Sa panayam ng 24 Oras, kinumpirma ni Chiz ang napapabuting relasyon nina Heart at ng mga magulang nito.
 
READ: Heart Evangelista at mga magulang, nagkaayos na

“Maayos naman ‘yung dinner nila. Maganda ‘yung nangyayari. Kung ano mang gusot ang meron noon, naaayos unti-unti na ngayon,” nakangiting pahayag nito.
 
Patuloy rin niya, “Ayaw kong maunsyami kaya hayaan na muna nating ganun."