Showbiz News

Puno ng ganda ang ‘Ismol Family’ this Sunday!

By AEDRIANNE ACAR 

 
Hindi ninyo dapat palampasin ang episode ng Ismol Family ngayong Linggo dahil usapang pagandahan ang kuwento natin this week.
 
Itong si Yumi ma-i-insecure dahil sa bagong kaibigan nila na si Allyson na ubod ng ganda. Kung dati siya ang center of attention, ngayon may katapat na siya sa katauhan ni Allyson.
 
Mag-survive kaya ang friendship ng mga bagets? 
 
Makikilala naman ni Mama A ang batang-bata na si Arianne. Nadiskubre raw nito ang sikreto ng fountain of youth. At dahil sa special beauty treatment niya, hindi raw magbabago ang inyong itsura kahit tumanda na kayo. 
 
Wow! Tumalab kaya ang special treatment na ‘to ni Arianne kay Mama A? 
 
Tutukan ang lahat ng 'yan this Sunday sa Ismol Family! Makikigulo sa pamilya Ismol sina Vaness del Moral at Takako Saito.