Showbiz News

Heart Evangelista on Sen. Chiz reconciling with her parents: 'Parang nabunutan ako ng tinik'

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Sa Startalk, ibinahagi na ni Heart Evangelista ang mga pangyayari kaugnay ng muling pagkikita nila ng kanyang mga magulang.

LOOK: Heart reunites with parents  
 
Kuwento ni Heart, "Galing siya (Mrs. Cecilia Ongpauco) ng San Francisco. Bumalik siya tapos I decided to go there. And then sabi ko turuan mo naman ako mag-polvoron, Mom. Tapos tinuruan niya [ako]. Tapos parang wala ding nangyari. So, it's nice."

PHOTO BY CHARMAINE AQUINO, GMANetwork.com
 
Dagdag ni Heart, na-miss umano niya ang kanyang ina matapos ang matagal na panahon nilang hindi pag-uusap. Aniya, "Nice to have you back in my life. Na-miss kita and thank you sa pagturo sa akin ng polvoron. Next namin na turuan ay empanada."
 
Ibinahagi rin ni Heart na may paninibago pa siyang nararamdaman, ngunit masayang masaya siya dahil nakakausap na rin ng kanyang mga magulang ang kanyang asawang si Senator Chiz Escudero. 

READ: Heart Evangelista dines with parents and Sen. Chiz Escudero
 
"Nakakapanibago at masarap na parang nabunutan ako ng tinik. 'Yung birthday dinner ng mommy ko, nandoon na rin siya [si Chiz] so nag-warm up na sila."
 
"My dad nilulutuan pa si Chiz. Nagtuturuan pa sila ng recipes nila so nakakatuwa. Medyo on cloud nine pa ako kasi medyo hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari." dagdag na pahayag ni Heart.
 
Ayon kay Heart ito ay ang matagal na niyang ipinapanalangin. Saad nito, "Sobrang saya, everyday ko siyang idinasal. Everyday walang sawa kahit pakiramdam ko medyo imposible. Kahit siyempre hindi sila pumunta sa kasal ko. 'Di ba talagang dadating ka sa point na parang pakiramdam mo wala ng chance. Pero ever since I was a little girl strong 'yung faith ko na 'pag talagang idinasal mo, hiningi mo at maganda naman 'yung intensyon mo the other day ipinakita Niya sa akin na 'Anak, ito ang para sa iyo.'"
 
Sa ngayon, halos araw-araw nang nagkikita sina Heart at ang kanyang mga magulang. Kuwento ni Heart, "Ang saya saya talaga. Halos araw-araw na kaming nagkikita, nawala na talaga lahat."