Celebrities na napanood bilang doktor sa Kapuso series

Kasalukuyang napapanood ngayon sa GMA Network ang medical drama na 'Abot Kamay Na Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Umiikot ang kuwento nito sa buhay at pangarap ni Analyn Santos, ang karakter na unang binigyang buhay ni Heart Ramos na kasalukuyan namang ginagampanan ngayon ni Jillian.
Bata pa lamang si Analyn ay pangarap na niyang maging isang doktor, ngunit bago niya maabot ito, marami pa siyang mabibigat na pagdadaanan bagong siya maging isang ganap na surgeon.
Bukod sa bagong Kapuso serye, ilang mga aktor ang napanood din bilang mga doktor sa ilang GMA shows.
Kabilang na rito ang 'Start-Up PH' lead actor na si Alden Richards, award-winning actress na si Jennylyn Mercado, at marami pang iba.
Kilalanin ang celebrities na napanood bilang doktor sa ilang mga programa sa gallery na ito.












