Showbiz News

Aicelle Santos, girl crush daw sina Solenn Heussaff at Julia Clarete?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com


Bumubuhos ang biyaya para sa Sunday All Stars performer na si Aicelle Santos dahil sobrang busy ang dalaga sa dami ng showbiz commitments nito.
 
Sa radio guesting ng Aliw Awards winner sa ‘Sikat Sa Barangay’ ni Mama Belle ngayong umaga (June 3), may tatlong major projects na gagawin si Aicelle ngayong taon.

Kasama siya sa pinakabagong afternoon drama ng Kapuso network na Buena Familia at mapapanood siya muli sa theater production na ‘Rak of Aegis.’ Idagdag pa riyan ang stage play na ‘Sabel’ kung saan makakasama niya ang former GMA talent na si Iza Calzado at Antoinette Taus.
 
Be With You
 
Nag-promote din siya ng kanyang dalawang bagong single, una na riyan ang theme song ng GMA Telebabad series na The Rich Man’s Daughter (TRMD) na ‘Be With You’ at ‘Kapangyarihan ng Pag-ibig.’
 
Sa exclusive interview ng GMA Network.com sa theater actress, sobrang nasorpresa raw siya sa lakas ng suporta ng mga tao sa kanyang kanta sa TRMD.
 
Sa katunayan nasa number nine spot ang kanta niya sa official weekly countdown ng DWLS 97.1 na ‘The Big Ten.’
 
Kuwento ni Aicelle, “I’ve been singing songs for a lot of soaps in the past years. So minsan hit, minsan hindi. So, eto nasuwertehan siguro kaya thankful na ako [kasi ako ang] nakuha nila to sing.”
 
Girl crush?
 
Game din ang Kapuso singer na gumanap ng lesbian role tulad ng ginagampanan nila Glaiza de Castro at Rhian Ramos at umamin din ang talented performer na may girl crush siya sa showbizness.
 
Saad ng 'Rak of Aegis' star, sobrang humahanga raw siya sa kapwa niya performer sa Sunday All Stars na si Solenn Heussaff at kay Eat Bulaga host Julia Clarete.
 
Saad ni Aicelle, “These girls they are really beautiful, pero they carry themselves na parang, kasi mayroong ibang babae na when they walk ang ganda ko. Sila hindi eh. Natural na natural, they don’t have to say it, they don’t have to flaunt it.”
 
Dagdag pa nito, nakakamangha raw na makita na super talented ang dalawa at humble.  
 
“So 'yun ‘yung gusto ko sa kanila and they are very, very talented! Si Julia can sing, act, dance and host very well, si Sos (Solenn Heussaff) din, ang gustong-gusto ko sa kanya ‘yung kanyang artistry when it comes to painting. Very down-to-earth pa silang dalawa.”