Gwen Zamora, handang mangampanya para kay Jeremy Marquez
Published On: June 03, 2015, 07:27 PM
Updated On: November 10, 2020, 11:03 AM
By MARAH RUIZ
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Ayon kay My Mother's Secret star Gwen Zamora, napaka supportive daw ng kanyang boyfriend na si Jeremy Marquez sa kanyang showbiz career. Paano naman kaya ito ibinabalik ni Gwen kay Jeremy, lalo na ngayong napapabalitang may plano itong tumakbo sa susunod na halalan?
"Yes, vice mayor," pagkumpirma ni Gwen nang tanungin siya ng media kung totoo ba ang balak na pagtakbo ng kanyang nobyo. Dagdag pa ni Gwen na ibinabahagi naman daw ni Jeremy ang mga political plans nito sa kanya.
Handa naman daw sumuporta ni Gwen sa oras na kailanganin siya para sa panganganmpanya.
"He hasn't asked me yet, but if he does, I would gladly go," sagot nito.
Naipakilala na rin daw siya ni Jeremy sa pamilya nito, partikular sa ama nitong si Joey Marquez.
"Yes, we watched Wynwin during the coronation night," bahagi ng Kapuso beauty.
Ramdan na ba niyang parte siya ng pamilya Marquez?
"I don't know, but he's definietly part of my family," nakangiting sagot nito. Sa katunayan pa nga, ipinakilala na raw niya si Jeremy sa kanyang pamilya.
Hindi naman alintana ni Gwen na lagi siyang nali-link sa mga pulitiko.
"Hindi ko pinag-isipan 'yan to be honest," sagot ni Gwen.