Showbiz News

Makukuha ba ni Miguel Tanfelix ang matamis na oo ni Bianca Umali sa 'Ismol Family?'

By AEDRIANNE ACAR


 
Will Yumi become Ethan’s girlfriend?
 
Ngayong Linggo sa Ismol Family, isang pagsubok ang ipapagawa ni Yumi (Bianca Umali) kay Ethan (Miguel Tanfelix) at sa oras na magawa raw ito ng binata ay sasagutin niya ito.
 
Ito namang si Bernie (Mikael Daez) umandar na naman ang kabaklaan dahil may bago siyang apple of the eye!
 
Meet Jan Carpenter, ang hunky-licious na karpintero ng pamilyang Ismol. Ang kaso, sa halip na makatulong itong si Jan sa pag-aayos ng bahay nila Jingo (Ryan Agoncillo) sakit ng ulo ang guwapong repairman dahil mabagal ito gumawa at panay ang selfie.
 
Naku! Magagawa kaya ang bahay ng Ismol family o magkakaroon ng papa si Bernie?
 
Lahat 'yan mapapanood ninyo sa paborito niyong Sunday night family sitcom, ang Ismol Family ngayong June 7 pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.