advertisement
Showbiz News

LOOK: Vic Sotto's reunion with Ice Seguerra and other highlights from Ice's 35th anniversary concert

1 of 7

Ice Seguerra

Ipinagdiwang ni Ice Seguerra ang kanyang ika-35 taon sa industriya sa pamamagitan ng isang concert. Kabilang sa mga inawit ng singer-songwriter sa katatapos lang niyang show ang hit song niyang "Akala mo..."

2 of 7

Vic Sotto

Isa sa mga inabangan sa concert ang reunion nina 'Eat Bulaga' Dabarkad Vic Sotto at Ice. Sa videong ishinare ng misis ni Bossing na si Pauleen Luna, makikitang tila emosyonal ang dalawa nang awitin nila ang "Somewhere Out There." Sa noontime show nagsimula si Ice, o kilala dating Aiza Seguerra, nang sumali siya sa "Little Miss Philippines" segment ng 'Eat Bulaga' noong 1987.

3 of 7

Chito Miranda

Inamin naman ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda na kinabahan siyang mag-perform sa stage kasama si Ice. Gayunpaman, nag-enjoy naman ang bokalista sa kanilang jam sa pamamagitan ng pag-perform sa sikat na kanta ng Pinoy rock band na "Buloy" at kanta ng Eraserheads na "Alapaap."

advertisement
4 of 7

Female OPM singers

Nagsama-sama naman ang female OPM singers na sina Sitti Navarro, Princess Velasco, at Juris Fernandez in one stage kasama si Ice.

5 of 7

Regine Velasquez

Naka-duet naman ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez si Ice sa kantang "Pangarap Ko Ay Ibigin Ka."

6 of 7

Dancing

Bukod sa pagkanta, sumayaw rin si Ice kasama ang members ng '90s dance group na Manoeuvres na sina Joshua Zamora, Jon Supan, at Jason Zamora.

advertisement
7 of 7

Drag Race PH

Present din sa espesyal na concert ang 'Drag Race Philippines' contestants na sina Precious Paula Nicole, Marina Summers, Viñas DeLuxe, Eva Le Queen, Turing Quinto, at Brigiding para magbigay-pugay sa direktor ng "Untucked" series ng reality TV competition.