Showbiz News

Dingdong Avanzado, may pinagseselosan

By MARY LOUISE LIGUNAS
 
Nang itampok sila sa Powerhouse, inamin ni Siquijor Vice Governor Dingdong Avanzado na minsa’y nagseselos siya sa atensyong binibigay ng asawang si Jessa Zaragoza sa social media. Patawa niyang kinuwento kay Kara David na ito ang kahati niya sa oras ng asawa.
 

Dahil madalas siya bumabiyahe pa-Visayas para sa trabaho, nais niyang sulitin ang bawat pagkakataon na magkakasama sila bilang pamilya.
 
“Imagine mo, galing ka na ngang Siquijor… Pagdating mo sa bahay, biglang ‘pag kasama mo, may gagawin [online, so sinasabi ko] ‘Ano ba 'yan, akala ko ba mag-uusap tayo?’,” aniya.
 
Madalas daw ay may rasong ibibigay si Jessa tulad ng pag-e-edit ng litrato.
 
“Meron siyang laging excuse. Sabi ko, ‘Hindi mo ba puwede ihinto 'yan?’ [Sasabihin niya] sandali lang naman,” kuwento niya.
 
Gayunpama’y napaka-sweet pa rin ng Pepito Manaloto star at pinakamatalik na kaibigan ang turing ni Dingdong sa kanya.
 
“…Tapos tatawa [na lang] siya, tapos mamaya, lalambingin na niya ko… I [have] said this [before]. She’s really my best friend,” dagdag ni Dingdong.