Showbiz News

'Buena Familia,' throwback ng Bobby Andrews and Angelu de Leon '90s love team

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
"Flashback po itong napapanood ninyo. Throwback na throwback," 'yan ang pahayag ni Angelu de Leon nang masaya niyang ibinalita ang pagbabalik tambalan nila ni Bobby Andrews sa upcoming Afternoon Prime soap na Buena Familia.
 
"Kaya nga excited kami ni Angelu kasi kami 'yata ang pinakabata dito sa cast ng Buena Familia eh," biro ni Bobby.
 
Na-miss na rin daw ni Angelu ang pagkakaroon ng love team. Aniya, "Kami yata 'yung unang binubuo na love team kaya exciting! Lalabas kaya lahat ng fans ng Bobby-Angelu?"
 
Huling napanood sina Angelu at Bobby sa teen-oriented show na Teen Gen pero hindi couple ang characters na ginampanan nila roon. Sa Buena Familia, mag-asawa ang roles ng dalawa.
 
"Actually this is the first time na gagawa tayo ng serious soap again after a long long while. Parang kailan lang. 'Wag na nating itanong kung ilang taon 'yung nakalipas," natatawang sambit ni Bobby.
 
Dagdag pa niya, "Ito na 'yung first time na magkasama tayo na malalaki na 'yung mga anak natin eh."
 
Dahil sikat na sikat ang characters nila na sina Peachy at Joaquin sa TGIS noong '90s, ine-expect nina Bobby at Angelu na hahanapin ng viewers ang kilig scenes nila sa Buena Familia.
 
"Sana hindi nila makita sina Peachy at Joaquin dito sa Buena Familia. Baka isipin nila na kailangan nila ng pakilig factor," ani Angelu.
 
Pero kung talagang hahanapin daw nila sina Peachy at Joaquin, isipin na lang daw ng fans na continuation ng TGIS ang bagong Afternoon Prime soap.
 
"I guess it would play kung sakali, ito 'yung married life siguro ni Peachy at ni Joaquin but in a more serious way," pagtatapos ni Angelu.