Showbiz News

Gardo Versoza, karibal ni Glaiza de Castro sa 'Vampire Ang Daddy Ko'

By AEDRIANNE ACAR
 
Walang humpay na indakan ang mangayayari sa Vampire Ang Daddy Ko ngayong Linggo (June 7).
 
Gusto sanang mag-ballroom dancing ng asawa ni Daddy Vlad (Oyo Boy Sotto) na si Sonya (Pilita Corrales), ang problema walang gusto maging ka-partner niya.
 
Ang mga anak niya na sina Victor (Vic Sotto) at Vagets (Rafa Siguion-Reyna) busy sa paglalaro ng chess, si Daddy Vlad tambak ng trabaho at si Stef (Sef Cadayona) trip lang sumayaw ng modern dance.
 
Darating ang karibal ni Vava (Glaiza de Castro) na si Garda at maiisip nito na magiging lider lamang siya ng mga bad vampires kung makukuha niya si Sonya.


Naku! Tiyak malaking gulo ito! Ano ang plano ni Garda kay Sonya at magtagumpay kaya siya na ma-overthrow si Vava?
 
Tutukan ang lahat na 'yan sa darating na Linggo (June 7) sa Vampire Ang Daddy Ko. Gaganap ang Let the Love Begin actor na si Gardo Versoza bilang Garda.