Showbiz News

Andrea Torres at Mikael Daez, mag-boyfriend at girlfriend?

By BEA RODRIGUEZ
 
Naikuwento ni Kapuso star Andrea Torres na magkarelasyon daw ang ginagampanang papel nila ng ka-love team niyang si Mikael Daez sa pinakaunang internasyonal na proyekto nila, ang Cambodian film 'Blood In Dispute.'
 

READ: Mikael and Andrea begin shooting in Cambodia today
 
Tapos na raw kunan ang mga eksena dito sa Pilipinas at pati sa Cambodia. Babalik ang dalawa roon sa Agosto para sa premiere ng pelikula na gagawing serye dito sa Pilipinas.
 
Naibahagi ng dalaga sa GMAnetwork.com ang simula ng kuwento, “Magsta-start 'yung story na kami na dalawa ni Mikael na mag-boyfriend-girlfriend na kami tapos nagkaroon ng conflict [kaya] pupunta siya ng Cambodia so susundan ko siya.”
 
Naka-sentro ang kuwento sa Cambodian martial arts na “Bokator” at fighter sa pelikula si Mikael pero baka palitan daw ang pamagat kapag ipapalabas na ito dito.
 
Nakatrabaho ng mga Kapuso stars ang ilan sa Cambodian actors at nasiyahan sila sa bagong karanasan, “Iba kasi iba din 'yung style nila sa taping eh. So ang daming adjustments pero very open naman kami ni Mikael so ang ganda ng experience [at] aliw na aliw kami.”
 
“Ang mga Khmer (Kimay) [ay] sobrang friendly sila tapos kita mo rin na willing din sila matuto ng English kasi hindi lahat dun marunong mag-English. Minsan mahirap mag-explain kasi kailangan mong i-muestra, ganun din sila sa amin [at] minsan hindi kami nagkakaintindihan pero naging close rin namin sila,” dagdag ng aktres.
 
Nakuha ang mag-love team sa proyekto dahil sa magandang feedback ng kanilang serye na Sana Ikaw Na Nga na kakatapos lang umere sa Cambodia kaya nagsama ang GMA Network at Cambodia Television Network na gumawa ng panibagong palabas.
 
Bukod sa Cambodian actors ay Canadian naman ang kanilang director/writer na si Ken Simpson at iba naman ang kanyang estilo, “Sobrang open niya so parang 'yung first take, ikaw muna 'yung bahala kung paano mo siya gagawin so gagawin namin ni Mikael kung paano siya sa Philippines. Pero kasi nga Canadian siya, parang ayaw nila masyadong madrama.”
 
Natanong naman ang morena beauty kung ano ang kanyang nararamdaman na ngayon ay isa na siyang international artist. Pahayag ng aktres, “Hindi ko siya nasama sa goal ko kasi hindi ko naman alam na puwede pala siya. Nakakatuwa po at sobrang kaba pero pagdating dun [ay] natuwa kami na okay 'yung experience. Wala naman kaming itatapon na eksena ni Mikael.”
 
READ: Andrea Torres is ready for sexier, more daring roles 
 
Natuwa rin sila sa mga fans nila doon, “Pagdating namin, may naghihintay dun na fans na parang group of Cambodians. Nakapag-guest din po kami sa [variety] at game shows.”
 
Hindi na makapaghintay si Andrea na bumalik sa Agosto para sa pelikula at para makapaglibot na rin sa Cambodia.