Showbiz News

Humanda sa isang animal adventure sa 'Madagascar'

By MARAH RUIZ

 
Dahil sa ginawang pagtakas nila mula sa Central Park Zoo, ipapadala sa isang wildlife reserve sa Kenya ang leon na si Alex, ang zebra na si Marty, ang giraffe na si Melmar at ang hippopotamus na si Gloria. 
 
Sa paglalayag patungo roon, iha-highjack nina Skipper, Kowalski, Rico at Private—mga penguins na kasama nilang tumakas noon—ang barko para dalhin ito sa Antartica. 
 
Dahil sa kaguluhan, mahuhulog ang mga kulungan nina Alex, Marty, Melmar at Gloria mula sa barko! Mapapadpad sila sa pampang ng Madagascar. 
 
Doon, wala na ang mga kinasanayan nila sa loob ng zoo tulad ng malinis na tirahan, mga masasarap na pagkaing hindi nila kailangang paghirapan, at pati na rin ang kani-kanilang mga tagahanga. Kayanin kaya nilang mamuhay sa kagubatan?
 
Alamin sa Madagascar, June 7, pagktapos ng Dragon Ball Fight! Presents: The Burning Battle sa GMA Kapuso Movie Festival!