Showbiz News

Gov. Vilma Santos, walang alok na natatanggap para sa May 2016 elections

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
"Personally, as of this time, I'm not physically, mentally, emotionally prepared. That's why again, uulitin ko, maraming-maraming salamat po sa tiwala but as of now, I'm not entertaining it," 'yan ang pahayag ni Batangas Gov. Vilma Santos nang tanungin siya kung may alok ba siyang natatanggap para tumakbo sa 2016 elections.
 
Sa interview ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ibinahagi ni Gov. Vilma na nakatuon muna ang kanyang atensyon bilang Batangas Governor.
 
Ayon kay Gov. Vilma, lilipad siya kasama ng asawang si Sen. Ralph Recto patungong Europe. Magsisilbi silang guest speakers sa isang pagtitipon na dadaluhan ng ating OFWs.

WATCH: Ate Vi, umamin na nambabae noon si Sen. Ralph Recto
 
"'Yung pagpunta ko roon ay more on serbisyo, hindi politics. Walang kinalaman ang politics doon," paglilinaw ni Gov. Vilma.
 
Para patunayan daw na wala sa isip niya ang pagtakbo, mayroon daw siyang pelikula na gagawin next year.
 
"The script is going to be beautiful and something new. Kasi kung dati nakita niyo ako noon sa The Healing, nakita niyo ko sa Ekstra, sa indie film, this time, sobrang yaman naman [ng character ko]," pagtatapos niya.