Showbiz News

Kylie Padilla at Matt Henares, hiwalay na

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Sa panayam ng Startalk, inamin ni Kylie Padilla na hiwalay ni sila ni Matt Henares.

READ: Rhian Ramos shares how Kylie Padilla and Matt Henares met
 
Ayon kay Kylie, "Actually wala namang problema, sa totoo lang walang problema. But, I can't say but 'yun wala namang problema."
 
Nang tanungin naman ang aktres kung sila pa ba ni Matt ito ang kanyang sagot.
 
"No." 
 
Dagdag niya, "Pero maayos naman 'yung nangyari. Siyempre malayo siya. Gusto ko muna mag-focus sa trabaho. 'Yun lang 'yun. Ganoon lang kasimple. Mutual naman."
 
Hindi ba naniniwala si Kylie sa long-distance relationship?
 
"Ewan ko. Basta ganoon na 'yung nangyari. Gusto ko lang i-confirm nga na oo, na hiwalay na kami kasi ayaw ko naman na malabo sa mga tao 'yun."
 
Naghiwalay man sila Matt at Kylie, sinabi ng aktres na tuloy tuloy pa rin ang kanilang communication. Friends pa rin umano sila dahil ayaw nilang masira ang friendship na naging simula ng kanilang relationship. 
 
Nilinaw rin ni Kylie na walang involved na ibang tao sa kanilang paghihiwalay. Time lang umano ang naging kanilang problema ni Matt. Aniya, "Kaya ko naman kaso lang siguro sa, sa itong time period ng buhay ko kailangan ko lang panindigan na medyo feeling ko hindi pa oras. Parang hindi muna love life 'yung uunahin ko, trabaho muna 'yun. Kasi feeling ko talaga kailangan kong kumayod. May thirst lang ako na kailangan kong iimprove 'yung sarili ko. 'Yun muna unahin ko work, work muna."
 
May pag-asa bang magkabalikan sina Kylie at Matt?
 
"'Di ko pa alam. Ayoko pa magsalita, work please. I'm okay hindi [ko] masyado iniisip." sagot ni Kylie.
 
Alam din umano ng mama ni Kylie ang tungkol sa estado ng kanyang puso ngayon. Aniya, "Now she knows. My sisters, 'yung mga kapatid ko, they know. Actually sa kanila ako nag-o-open up ng lahat."
 
Napabalita ring masaya ang dating boyfriend ni Kylie na si Aljur Abrenica nang lumabas ang balitang sila na ni Matt Henares at ngayon nauwi naman ang kanilang relasyon sa hiwalayan. Pahayag ni Kylie, "Ganoon talaga. Thank you. Thank you na lang. Hindi siya naging madali, pero nagpapasalamat na mas okay naman 'yung pag-handle ko ngayon."
 
Sa ngayon, iba na muna ang pagbibigyan umano ng atensyon ni Kylie.
 
"I'm single, I gotta work. 'Yun ang mindset. Single and work, work, work."