TINGNAN: Ashley Ortega at Xian Lim, nakisaya sa Huba-Huba Festival sa Negros Occidental

Kasamang nakisaya ng GMA Regional TV ang 'Hearts On Ice' stars na sina Ashley Ortega at Xian Lim sa kauna-unahang Huba-Huba Festival sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Nakasama rin nina Ashley at Xian sa makasaysayang pagdiriwang na ito ng mga Hinoban-on ang 'TiktoClock' host na si Pokwang.









