Alam niyo ba na mayroong mahigit na 150 pairs of shoes si Mark Herras? Paano nga ba natin maalagaan ang ating mga sapatos? Alamin dito sa special episode ng 'Basta Every Day Happy'.
Pakitaan mo naman kami ng iyong moves, Mark!
Alam niyo ba na ang bad boy sa dance floor na si Mark Herras ay isa ring shoe collector? Mahigit na 150 pairs of shoes ang meron siya!
Ano nga ba ang diskarte ni Mark para mas maalagaan ang kanyang mga sapatos? Alam niyo ba na puwede ilagay ang dyaryo sa loob ng sapatos kapag ito'y nabasa?
Kapag marumi naman ito o nagkaroon ng stain, puwede ito pahiran ng hairspray o alcohol gamit ang cotton balls.
Hahanga naman kayo sa students ng Batasan Hills National High School. Ang kanilang nagawang school project ay ang kakaibang school shoes na nagiging boots!
Mga Kapuso, ano ang pinakagusto niyo rito?
Ang red pair daw ang paborito ni Mark.
Gusto niyo ba gumawa ng homemade shoe deodorizer para pampabango ng sapatos?
Mix 1/2 cup baking soda and 1/2 cup cornstarch. Add 10-20 drops of essential oil at ilagay sa kapirasong tela at itali. Pagkatapos ay ilagay sa sapatos! Ang galing 'no?
Puwede rin lagyan ng orange peels ang sapatos para bumango!
Nakuha pang magpatawa ni Chef Boy!
Mukhang napakabango nga ng homemade shoe deodorizer!
Ang kulit-kulit talaga ni Chef!
Natuto ba kayo sa aming mga shoe care tips?