Showbiz News

Maureen Larrazabal grateful to be reunited with Michael V

By AEDRIANNE ACAR

 
Isa sa pinakamagaling na kontrabida at comedienne ng bansa ang Kapuso babe na si Maureen Larrazabal.  Nag-iwan ng marka sa isipan ng maraming manonoood si Maureen sa mga nakakatawa niyang eksena sa longest running gag show na Bubble Gang.
 
Ngayon, regular naman siya mapapanood sa GMA Afternoon Prime series na Healing Hearts bilang Kleng kung saan kasama niya ang mga Kapuso Teen royalties na sina Joyce Ching at Kristoffer Martin.
 
Semi-regular din si Maureen sa weekly sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento kung saan muli niyang naka-trabaho ang former co-star niya sa Bubble na si Michael V. 
 
Sa isang exclusibong panayam ng GMANetwork.com kay Maureen, nagkuwento ang Kapuso actress kung gaano siya kasaya na napasama siya sa Pepito Manaloto at muli niyang makasama sa isang show si Michael V.
 
Ani Maureen, “Thankful ako kasi after ng Bubble Gang, parang medyo siyempre nag-iisip ako kung ano ‘yung susunod na ibibigay.”
 
“So finally nung tinawagan ako tapos sinabi na sina Bitoy din ang kasama ko, sila John Feir, since mga nakasama ko naman na, medyo mas at ease ako at parang nagkaroon ako ng hope na ‘ay okay naman pala, kasi mayroon pa akong Pepito Manaloto,”
 
Dagdag pa ng Kapuso comedienne, enjoy daw mag-taping sa Pepito Manaloto dahil professional at efficient daw ang buong team behind the show. 
 
“Tapos ang Pepito [Manaloto] kasi, sobrang sarap magtaping dun. Sobrang bilis! Sobrang professional ng mga nandoon. Ang bilis-bilis lang ng taping so masaya ako.”
 
The beauty of script reading
 
Pinuri din ni Maureen ang pagsasagawa ng weekly sitcom ng script reading na malaking tulong daw para higit na mapabuti at mabilis ang proseso ng shooting ng mga eksena.
 
Ayon kay Maureen, “Malaking tulong 'yung ginagawa nilang script reading during the morning. Lalo na pag medyo fresh pa ‘yung utak ng lahat ng artists.”
 
“Kasi kapag take na, hindi na masyado mahaba ‘yung proseso ng nagbabatuhan, nag-to-throw lines. Hindi na nag-re-rehearse ng paulit-ulit,” saad ni Maureen. 
 
Bukod pa daw diyan, maganda daw na napag-aaralan ng mga artista na kasama sa show ‘yung buong istorya at nagagawa rin daw nilang makapag-bato ng ideas para mas lalong gumanda ‘yung mga eksena nila sa harap ng camera. 
 
“Kasi may mga ibang artist na sa script, ‘yung part lang nila ‘yung babasahin. So sa script reading, ang tendency mo, na-aaral mo ‘yung buong istorya, ‘yung flow, so nakakafollow ka. Kung mayroon kang gustong i-inject, may gusto kang i-adjust, mas madali sa’yo kasi alam mo ‘yung istorya ng buong episode.”