Showbiz News

Anak ni Yasmien Kurdi, feeling siya si Eliza ng 'Yagit'

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Seloso raw si Ayesha, ang nag-iisang anak ni Yagit star Yasmien Kurdi. Nalaman daw ito ng aktres dahil palaging umiiyak ang anak niya tuwing pinapanood ang eksena nila ni Chlaui Malayao sa Afternoon Prime soap.
 
Tumatayong ina ni Eliza (Chlaui) si Dolores (Yasmien) kaya naman marami talagang yakapan sa kanilang scenes. Dahil dito, nagselos daw noon si Ayesha.
 
Pero ayon kay Yasmien, close na raw ngayon ang kanyang anak kay Chlaui. Aniya, "Friends na sila ni Eliza. Hindi na siya nagseselos kay Eliza pero feeling niya, siya si Eliza."
 
 
Natigil lang daw ang pagseselos ni Ayesha nang sabihin ni Yasmien sa kanyang anak na siya rin si Eliza.
 
"May time na nagseselos siya kay Eliza kasi ka-hug ko. Ang gusto niya, siya 'yung ka-hug ko. So sa bahay pag-uwi ko, Mama, Yagit. Sabi niya, Mama, Eliza, Inay! Ganoon siya, Inay, Eliza! Sabi niya, Mama, cry. Biglang kailangan daw akong mag-cry. So cry ako, so bigla niya akong yayakapin. Inay, tama na, sabi niya," natatawang kuwento ni Yasmien.
 
READ: Yasmien Kurdi, payag bang maging artista ang anak na si Ayesha?
 
 
Lagi raw bumibisita sa taping ng Yagit si Ayesha at nakikipag-bonding sa kids. "Si Ayesha, kalaro niya sina Tomtom at Eliza. Pumupunta siya sa set, nakikipaglaro siya sa mga bata at nag-e-enjoy 'yung bata. Behave naman siya," ani Yasmien.