Showbiz News

Nora Aunor, Lotlot De Leon at Janine Gutierrez, magsasama sa “Karelasyon”

By BEA RODRIGUEZ



Hindi dapat palampasin ang pagbabalik telebisyon ni Superstar Nora Aunor. Mangyayari ito sa isang episode ng Karelasyon. Lalo pang dapat abangan ang nasabing episode dahil makakasama niya dito ang anak na si Lotlot de Leon at apo na si Janine Gutierrez. 

LOOK: Three generations of superstars Nora Aunor, Lotlot de Leon and Janine Gutierrez 

Magsisimula mag-taping ang Superstar sa Sabado kahit busy pa siya sa pagshu-shoot ng pinagbibidahang independent film, ang Kabisera na ilalahok sa Metro Manila Film Festival 2015.

READ: Nora Aunor to lead independent film “Kabisera”

Sa pagdalaw ni Lhar Santiago ng Saksi sa first taping day ng Kabisera, kinamusta niya ang Superstar na maagang dumating sa set kahit puyat dahil sa pagdalo sa 38th Gawad Urian Awards.

Naging emosyonal si Ate Guy nang tanungin siya tungkol sa parangal na natanggap, ang "Natatanging Gawad Urian". 

“Naramdaman ko ‘yung…’di ko ma-explain ‘yung tawag dun eh…kung papaano…’di lang ‘yung mga fans, ‘yung pagpapahalaga, tama! [Ang] pagpapahalaga ng mga…’yung mga kapwa ko na nasa industriya.”

Nagwagi din ang mga Kapuso star na si Martin del Rosario bilang Best Supporting Actor sa Dagitab at ang Best Actress naman ng pelikula ay ang The Half Sisters star na si Eula Valdes.

Nanalo din ng Best Supporting Actress ang Let the Love Begin star na si Gladys Reyes dahil sa pagganap niya sa Magkakabaung.

READ: Kapuso stars win at the 38th Gawad Urian Awards