Katuwaan o Insensitive? Celebrities, influencers react to Alex Gonzaga's viral video

Masasabing memorable ang 35th birthday ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga ngayong buwan matapos mag-viral ang isang pangyayari sa kaniyang party.
Usap-usapan ngayon ang video na kuha ng social media influencer na si Dani Barretto sa birthday party ni Alex, kung saan makikitang pinunasan ng huli ng cake icing ang mukha ng waiter na may hawak ng kaniyang cake.
Inulan ng batikos online si Alex sa ginawa nito. Mayroon din namang ilang nagtanggol sa kanyang inasal.
Ilang araw matapos ang naturang insidente, naglabas ng statement ang pamilya Gonzaga para linawin ang naturang pangyayari.
Sa statement na ipinadala ni Peter Ledesma kay Michael Sy Lim ng showbiz blog na “Fashion Pulis,” sinabi nito na “kaibigan” ng ina ni Alex na si Pinty Gonzaga ang waiter sa video na si Allan.
Binigyan-diin din ng kampo ng mga Gonzaga na walang basehan ang kumakalat na espekulasyon na “lasing” si Alex nang kunan ang video.
Sabi sa statement, “And one more thing, ay hindi totoong lasing si Alex na tulad ng pinapalabas ng kanyang detractors and bashers.”
Dahil mainit itong pinag-uusapan ngayon, kahit ang mga artista at influencers ay nagbahagi rin ng kanilang mga opinyon online tungkol sa infamous birthday video ni Alex.
Tingnan ang ilan sa mga reaksyon nila sa gallery na ito.















