Showbiz News

Mike Tan, muntik nang maiyak sa eksena nila ni Ms. Gloria Romero

By MICHELLE CALIGAN


"Ang galing nilang mandaya! Pati sa sampal, wala akong maramdaman (laughs)."
 
Ito ang natatawang sagot ni Mike Tan nang kamustahin namin ang working relationship niya with his senior co-stars sa The Rich Man's Daughter.
 
"Si Direk Al, grabe. Kung alam niyo lang noong pinalayas niya ako, bago mag-end 'yung scene, sabi ko sa kanya 'Direk Al, alam niyo po ba na ayokong umalis hangga't hindi ko kayo namumura?'" paglalarawan niya kay Al Tantay, who plays his dad, Oscar Tanchingco.
 
READ: Al Tantay, hindi katulad ni Oscar sa totoong buhay
 
Dagdag pa niya, "Kasi pinagpipilitan niya talaga akong palayasin eh. Sobrang naapektuhan ako, 'yung mukha ko talaga doon parang may gusto talaga akong sabihin pero hindi ko magawa. Kaya ayun, nag-walk out na lang ako. Ganun ka-effective si Dada, si Direk Al."
 
Todo puri rin siya sa acting style ni Glydel Mercado.
 
"Si Miss Glydel parang robot, grabe. 'Okay kailangan mong umiyak.' 'Okay [bagsak ang luha]' Ano nangyari (laughs)? Ang galing. Hindi mo alam kung ano nangyayari. Sabi nga niya nung nagkukuwentuhan kami, hindi na sila 'yung tulad ng mga artista na kailangan pang mag-internalize, i-motivate. Sila 'yung mga artista na bumabase na lang sa script. Sabi nga nila, kapag sinabi mo naman na 'yun ang nangyayari, maaawa ka na rin sa sarili mo, 'yun na rin ang mararamdaman mo."
 
Pagdating naman sa kanilang on-screen lola na si Ms. Gloria Romero, ibinahagi ng aktor na muntik na siyang maiyak sa isang eksena na pinagsamahan nila.
 
"Si Miss Glo, magkausap lang kami, tatawagan lang niya si Jade, hindi ko naman kailangan umiyak, pero alam mo 'yung puso mo umiiyak na dahil sa kaeksena mo siya. Pero hindi ka naman puwedeng umiyak kasi magiging OA ka. Ganun ang mararamdaman mo kapag kausap mo si Tita Glo."
 
READ: Gloria Romero at Rhian Ramos, parang totoong mag-lola
 
As for their Angkong, Mr. Tony Mabesa, Mike shared a funny secret.
 
"Si Mr. Tony Mabesa, iba ang timbre ng boses. Actually. may mga kalokohan nga kaming ginagawa ng mga staff every time na wala si Sir Tony. Lagi namin siyang ginagaya. 'You brought shame to this family!'"