Showbiz News

Meet Diva, the divalicious vampire sa ‘Vampire Ang Daddy Ko’

By AEDRIANNE ACAR
 
Magnanakaw!
 
May magnanakaw ng boses sa Vampire Ang Daddy Ko this Sunday (June 21)! Aatake ang bagong saltang bampira na si Diva, gusto kasi nitong sumali sa Vampire’s Got Talent, pero hindi niya kayang abutin ang mga nota na kanyang kinakanta.
 
Kaya ang masamang balak ni Diva (Allan K), makasinghot ng magandang boses mula sa pitong tao para manalo siya sa paligsahan.
 

Tiyak malaking gulo na naman ‘to!
 
Sila Small (Jimmy Santos) at Derry (Derrick Monasterio) naman tutok sa cutie pie na si Big (Ryzza Mae Dizon) para matuto kumanta para hindi bumagsak sa music subject niya sa school.
 
Magtagumpay kaya si Tatay Small at si Victor (Vic Sotto) na mahasa ang bulinggit at makakanta ng maayos?
 
Kaya i-celebrate ang Father’s Day kasama ang buong pamilya ni Daddy Vlad this Sunday, June 21.
 
Dapat niyo rin tutukan ito mga Kapuso dahil special guest sa weekly sitcom sina Dabarkads Allan K at Ms. Jackie Lou Blanco.
 
Tutok na sa Vampire Ang Daddy Ko pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa Sunday Grande ng GMA-7!